1 Tesalonica 4:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mga kapatid, natutunan nʼyo sa amin kung paano mamuhay nang kalugod-lugod sa Dios, at ito nga ang ginagawa ninyo. Hinihiling namin ngayon sa pangalan ng Panginoong Jesus na lalo nʼyo pa sana itong pag-ibayuhin.

2. Sapagkat alam naman ninyo ang mga utos ng Panginoong Jesus na ibinigay namin sa inyo:

3. Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad.

1 Tesalonica 4