1 Samuel 5:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang maagaw ng mga Filisteo ang Kahon ng Dios, dinala nila ito mula sa Ebenezer papunta sa Ashdod.

2. Pagkatapos, dinala nila ito sa templo ng kanilang dios-diosan na si Dagon at itinabi rito.

3. Kinaumagahan, nakita ng mga taga-Ashdod ang rebulto ni Dagon na nakasubsob na sa harap ng Kahon ng Panginoon. Itinayo nila ito at ibinalik sa dating posisyon.

4. Pero kinaumagahan, nakita ulit nila na nakasubsob ang rebulto sa harap ng Kahon ng Panginoon. Ang ulo at ang dalawang kamay nito ay putol na, at nakakalat sa bandang pintuan; katawan lang nito ang natirang buo.

5. Kaya hanggang ngayon, ang mga pari ni Dagon at ang mga pumapasok sa templo niya roon sa Ashdod ay hindi na tumatapak sa bandang pintuan.

6. Pinarusahan nang matindi ng Panginoon ang mga taga-Ashdod at mga karatig lugar nito. Binigyan sila ng Panginoon ng mga tumor bilang parusa sa kanila.

1 Samuel 5