1 Samuel 27:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nasabi ni David sa kanyang sarili, “Darating ang panahon na papatayin ako ni Saul. Mabuti pang tumakas ako papunta sa lupain ng mga Filisteo para tumigil na siya sa paghahanap sa akin sa Israel at makaligtas ako sa kanya.”

2. Kaya pumunta si David at ang 600 niyang tauhan kay Haring Akish ng Gat, na anak ni Maok.

3. Doon sila tumira sa Gat sa pangangalaga ni Akish, kasama ang kani-kanilang pamilya. Dinala ni David ang dalawa niyang asawa na si Ahinoam na taga-Jezreel at si Abigail na taga-Carmel, na biyuda ni Nabal.

4. Nang mabalitaan ni Saul na tumakas si David at pumunta sa Gat, hindi na niya ito hinanap.

5. Isang araw, sinabi ni David kay Akish, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”

6. Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Akish ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.

1 Samuel 27