4. Nililipol niya ang mga makapangyarihan,ngunit pinalalakas niya ang mahihina.
5. Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain.Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon.Ang dating baog ay marami nang anak.Ngunit ang may maraming anak ay nawalan ng mga ito.
6. May kapangyarihan ang Panginoon na patayin o buhayin ang tao.May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon.
7. Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman.Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa.
8. Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan.Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan.Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
9. Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan.Ngunit lilipulin niya ang masasama.Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.
31-32. Tandaan ninyo ito: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa inyo at sa iba pang lahi ng inyong mga ninuno. Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay.
33. Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero dadanas sila ng matinding pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal.
34. At bilang tanda sa iyo na mangyayari ang mga bagay na ito, mamamatay nang sabay ang dalawa mong anak na sina Hofni at Finehas sa isang araw lang.
35. Pipili ako ng pari na matapat sa akin at susunod sa aking kalooban. Bibigyan ko siya ng mga angkan na maglilingkod sa aking piniling hari magpakailanman.
36. Lahat ng matitira sa mga angkan mo ay mamamalimos ng pera o pagkain sa mga angkan ng paring ito. Magmamakaawa sila na gawing alipin man lang ng mga pari para makakain lang sila.”