1. At nanalangin si Hanna,“Nagagalak ako sa Panginoon!Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya.Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway.Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin.
2. Walang ibang banal maliban sa Panginoon.Wala siyang katulad.Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.
3. Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Dios ang lahat ng bagay,at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.
4. Nililipol niya ang mga makapangyarihan,ngunit pinalalakas niya ang mahihina.
5. Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain.Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon.Ang dating baog ay marami nang anak.Ngunit ang may maraming anak ay nawalan ng mga ito.
6. May kapangyarihan ang Panginoon na patayin o buhayin ang tao.May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon.
7. Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman.Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa.
8. Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan.Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan.Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
9. Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan.Ngunit lilipulin niya ang masasama.Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.
31-32. Tandaan ninyo ito: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa inyo at sa iba pang lahi ng inyong mga ninuno. Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay.