1 Hari 7:43-49 Ang Salita ng Dios (ASND)

43. ang sampung kariton at ang sampung planggana nito;

44. ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat at ang 12 tansong toro sa ilalim nito;

45. ang mga palayok, mga pala at mga mangkok na ginagamit sa pangwisik.Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.

46. Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.

47. Napakarami ng mga bagay na ito, kaya hindi na ito ipinakilo ni Solomon; hindi alam kung ilang kilo ang mga tansong ito.

48. Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa templo ng Panginoon:ang gintong altar;ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Dios;

49. ang mga patungan ng ilaw na purong ginto na nakatayo sa harap ng Pinakabanal na Lugar (lima sa bandang kanan at lima sa kaliwa);ang mga gintong bulaklak, mga ilaw at mga pang-sipit;

1 Hari 7