1. Nagpatayo rin si Solomon ng palasyo niya at inabot ng 13 taon ang pagpapatayo nito.
2-3. Ang isa sa mga gusali nito ay tinawag na Kagubatan ng Lebanon. Ang haba nito ay 150 talampakan, ang luwang ay 75 talampakan at ang taas ay 45 talampakan. Ito ay may apat na hanay ng mga haliging sedro – 15 bawat hanay, at nakatukod ito sa 45 na pambalagbag sa ibabaw ng haligi kung saan nakakabit ang kisameng sedro.
4. Ang dalawang gilid ng gusaling magkaharap ay may tatlong hanay na bintana na magkakasunod.
5. May tatlong hanay rin itong parihabang mga pintuan na magkakaharap.
6. Ang isa pang gusali ay ang lugar na pinagtitipunan, na may maraming haligi. Ang haba nito ay 75 talampakan at ang luwang ay 45 talampakan. May balkonahe ito sa harapan, na may bubong at mga haligi.
7. Nagpatayo rin siya ng gusali kung saan inilagay niya ang kanyang trono. Ito rin ang lugar kung saan siya humahatol. Pinatakpan niya ito ng mga tablang sedro mula sa sahig hanggang sa kisame.
30-31. Ang bawat kariton ay may apat na tansong gulong at mga tansong ehe. Sa bawat sulok ng mga kariton ay may tukod na humahawak sa pabilog na patungan ng tansong planggana. Ang mga tukod ay napapalamutian ng parang mga bulaklak na kabit-kabit. Ang pabilog na patungan ay nakaangat ng isaʼt kalahating talampakan sa ibabaw ng kariton, at ang luwang ng bunganga ay dalawang talampakan at tatlong pulgada. Ang paligid ng ilalim ay may mga inukit na palamuti. Ang dingding ng kariton ay kwadrado, hindi pabilog.