13. Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang 30,000 tao mula sa buong Israel.
14. Pinagpangkat sila ayon sa bilang na 10,000 bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito.
15. May 70,000 tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at 80,000 tao na tagatabas ng bato sa kabundukan.
16. Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador.
17. At sa utos niya, nagtabas sila ng malalakiʼt magagandang uri ng bato para sa pundasyon ng templo.
18. Kaya inihanda ng mga tauhan nina Solomon at Hiram, kasama ng mga taga-Gebal, ang mga bato at mga kahoy para sa pagpapatayo ng templo.