5. Si Azaria na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel.Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang personal na tagapayo ng hari.
6. Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo.At si Adoniram na anak ni Abda, ang namamahala sa mga aliping sapilitang pinagtatrabaho.
7. Mayroon ding 12 gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.
8. Ito ang kanilang mga pangalan:Si Ben Hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.
9. Si Ben Deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet Shemesh at sa Elon Bet Hanan.
10. Si Ben Hesed na namamahala sa Arubot, kasama na rito ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.
11. Si Ben Abinadab na namamahala sa Nafat Dor. (Asawa siya ni Tafat na anak ni Solomon.)
12. Si Baana na anak ni Ahilud, na namamahala sa Taanac, Megido, sa buong Bet Shan malapit sa Zaretan sa ibaba ng Jezreel at sa mga lugar na mula sa Bet Shan hanggang Abel Mehola at patawid sa Jokmeam.
13. Si Ben Geber, na namamahala sa Ramot Gilead, kasama na rito ang mga bayan ni Jair na anak ni Manase, at sa mga distrito ng Argob sa Bashan, kasama na ang 60 malalaki at napapaderang bayan, na ang mga pintuan ay may tarangkahang tanso.
14. Si Ahinadab na anak ni Iddo, na namamahala sa Mahanaim.
15. Si Ahimaaz, na namamahala sa Naftali. (Asawa siya ni Basemat na anak ni Solomon.)
16. Si Baana na anak ni Hushai, na namamahala sa Asher at sa Alot.
17. Si Jehoshafat na anak ni Parua, na namamahala sa Isacar.