15. Si Ahimaaz, na namamahala sa Naftali. (Asawa siya ni Basemat na anak ni Solomon.)
16. Si Baana na anak ni Hushai, na namamahala sa Asher at sa Alot.
17. Si Jehoshafat na anak ni Parua, na namamahala sa Isacar.
18. Si Shimei na anak ni Ela, na namamahala sa Benjamin.
19. Si Geber na anak ni Uri, na namamahala sa Gilead na sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ni Haring Og ng Bashan. Si Geber lang ang gobernador sa buong distritong ito.
20. Ang bilang ng mga tao sa Juda at Israel ay tulad ng buhangin sa dalampasigan na hindi mabilang. Sagana sila sa pagkain at inumin, at masaya sila.
21. Si Solomon ang namamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, hanggang sa hangganan ng Egipto. Ang mga kahariang ito ay nagbabayad ng buwis kay Solomon at nagpapasakop sa kanya habang nabubuhay siya.