1 Hari 4:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Naghari si Solomon sa buong Israel.

2. At ito ang kanyang matataas na pinuno:Si Azaria ang punong pari mula sa angkan ni Zadok.

3. Sina Elihoref at Ahia na mga anak ni Sisha, ang mga kalihim ng hari.Si Jehoshafat na anak ni Ahilud, ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.

4. Si Benaya na anak ni Jehoyada ang kumander ng mga sundalo.Sina Zadok at Abiatar ang mga pari.

5. Si Azaria na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel.Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang personal na tagapayo ng hari.

6. Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo.At si Adoniram na anak ni Abda, ang namamahala sa mga aliping sapilitang pinagtatrabaho.

7. Mayroon ding 12 gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.

8. Ito ang kanilang mga pangalan:Si Ben Hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.

9. Si Ben Deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet Shemesh at sa Elon Bet Hanan.

10. Si Ben Hesed na namamahala sa Arubot, kasama na rito ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.

11. Si Ben Abinadab na namamahala sa Nafat Dor. (Asawa siya ni Tafat na anak ni Solomon.)

1 Hari 4