1 Cronica 9:31-44 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. Si Matitia na Levita, at panganay na anak ni Shalum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay para ihandog.

32. Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.

33. Ang mga musikero sa templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.

34. Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.

35. Si Jeyel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.

36. Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab,

37. Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot

38. (na ama ni Shimeam). Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem.

39. Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama nina Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.

40. Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal na ama ni Micas.

41. Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.

42. Si Ahaz ang ama ni Jada, at si Jada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza,

43. at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Refaya, ang anak ni Refaya ay si Eleasa, at ang anak ni Eleasa ay si Azel.

44. Si Azel ay may anim na anak na sina: Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.

1 Cronica 9