28. Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.
29. Si Jeyel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.
30. Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab,
31. Gedor, Ahio, Zeker,
32. at Miklot na ama ni Shimea. Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
33. Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.
34. Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal na ama ni Micas.
35. Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
36. Si Ahaz ang ama ni Jehoada, at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza,
37. at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa, na ama ni Eleasa, na ama ni Azel.
38. Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.
39. Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Azel na si Eshek ay sina Ulam (ang panganay), Jeush (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo).
40. Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat.Silang lahat ang lahi ni Benjamin.