1 Cronica 7:4-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang 36,000 lalaking handa sa paglilingkod sa militar.

5. Ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay 87,000, ayon sa talaan ng kanilang lahi.

6. May tatlong anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Beker at Jediael.

7. Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.

8. Ang mga anak na lalaki ni Beker ay sina Zemira, Joash, Eliezer, Elyoenai, Omri, Jeremot, Abijah, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Beker.

9. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi.

10. Ang anak na lalaki ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak na lalaki ni Bilhan ay sina Jeush, Benjamin, Ehud, Kenaana, Zetan, Tarshish at Ahishahar.

11. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handa sa paglilingkod sa militar.

12. Ang mga anak na lalaki ni Ir ay sina Shupim at si Hupim, at ang anak ni Aher ay si Hushim.

13. Ang mga anak na lalaki ni Naftali kay Bilha ay sina Jahziel, Guni, Jezer at Shilem.

14. May dalawang anak si Manase sa asawa niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Makir. Si Makir ang ama ni Gilead,

15. at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Shupim. May kapatid na babae si Makir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Makir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae.

16. May mga anak ding lalaki si Makir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peresh at Sheresh. Ang mga anak na lalaki ni Peresh ay sina Ulam at Rakem.

1 Cronica 7