28. Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Aya at sa mga baryo nito.
29. Ang lahi ni Manase ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet Shan, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.
30. Ang mga anak na lalaki ni Asher ay sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria. Ang kapatid nilang babae ay si Sera.
31. Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Heber at Malkiel. Si Malkiel ang ama ni Birzait.
32. Si Heber ang ama nina Jaflet, Shomer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Shua.
33. Ang mga anak na lalaki ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.
34. Ang mga anak na lalaki ni Shomer ay sina Ahi, Roga, Hubba at Aram.
35. Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Shomer na si Helem ay sina Zofa, Imna, Sheles at Amal.
36. Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Shua, Harnefer, Shual, Beri, Imra,
37. Bezer, Hod, Shama, Shilsha, Itran, at Beera.
38. Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.
39. Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia.
40. Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handa sa paglilingkod sa militar ay 26,000 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.