15. at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Shupim. May kapatid na babae si Makir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Makir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae.
16. May mga anak ding lalaki si Makir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peresh at Sheresh. Ang mga anak na lalaki ni Peresh ay sina Ulam at Rakem.
17. Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Makir, at apo ni Manase.
18. Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hammoleket ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mala.
19. Ang mga anak na lalaki ni Shemida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
20. Ito ang lahi ni Efraim: si Shutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Eleada, si Eleada na ama ni Tahat,
21. si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Shutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elead ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop.
22. Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak para aliwin siya.
23. Nang bandang huli, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.
24. May anak na babae si Efraim na si Sheera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet Horon at ng Uzen Sheera.
25. At ang anak na lalaki ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Reshef, si Reshef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan,
26. si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elishama,
27. si Elishama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.
28. Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Aya at sa mga baryo nito.
29. Ang lahi ni Manase ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet Shan, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.