8. si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz,
9. si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan.
10. Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem.
11. Si Azaria ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub,
12. at si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Shalum,
13. si Shalum ay ama ni Hilkia at si Hilkia ay ama ni Azaria.
14. Si Azaria ay ama ni Seraya at si Seraya ay ama ni Jehozadak.
15. Si Jehozadak ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
16. Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gershon, Kohat at Merari.
17. Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei.
18. Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
19. Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi.Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20. Sa mga angkan ni Gershon: sina Libni, Jehat, Zima,
21. Joa, Iddo, Zera at Jeaterai.
22. Sa mga angkan ni Kohat: sina Aminadab, Kora, Asir,