59. Ashan, Juta, at Bet Shemesh.
60. At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon, Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat.
61. Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase.
62. Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
63. Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
64. Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito.
65. Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin.
66. Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim.
67. Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer,
68. Jokmeam, Bet Horon,
69. Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito.
70. Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71. Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.
72. Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat,
73. Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.
74. Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon,