1 Cronica 6:2-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.

3. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

4. Si Eleazar ay ama ni Finehas, si Finehas ay ama ni Abishua,

5. at si Abishua ay ama ni Buki. Si Buki ay ama ni Uzi,

6. si Uzi ay ama ni Zerahia at si Zerahia ay ama ni Merayot.

7. Si Merayot ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub,

8. si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz,

9. si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan.

10. Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem.

1 Cronica 6