1 Cronica 5:15-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni ang siyang pinuno ng kanilang pamilya.

16. Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Sharon.

17. Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.

18. May 44,760 sundalo sa mga lahi nina Reuben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manase. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana.

1 Cronica 5