1 Cronica 5:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Si Reuben ang panganay na anak ni Israel, pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak.

2. Kahit mas makapangyarihan si Juda kaysa sa kanyang mga kapatid at ang pinuno ay nagmula sa kanyang lahi, ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.

3. Ito ang mga anak na lalaki ni Reuben na panganay ni Israel: sina Hanoc, Pallu, Hezron at Carmi.

4. Ito ang mga angkan ni Joel: sina Shemaya, Gog, Shimei,

5. Micas, Reaya, Baal,

6. at Beera. Si Beera ang pinuno ng lahi ni Reuben nang binihag sila ni Haring Tiglat Pileser ng Asiria.

7. Ito ang mga kamag-anak ni Beera na naitala sa talaan ng kanilang mga angkan ayon sa kanilang lahi: si Jeyel na pinuno, si Zacarias,

8. at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Shema at apo ni Joel. Ito ang lahi ni Reuben na tumira mula sa Aroer hanggang sa Nebo at Baal Meon.

9. At dahil dumami ang kanilang hayop doon sa Gilead, tumira sila hanggang sa silangan, sa tabi ng ilang na papunta sa Ilog ng Eufrates.

10. Nang si Saul pa ang hari, nakipaglaban sila sa mga Hagreo at tinalo nila ang mga ito. Sinakop nila ang mga tinitirhan ng mga Hagreo sa buong silangan ng Gilead.

1 Cronica 5