21. Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea.
22. Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.)
23. Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
24. Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul.
25. Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma.
26. Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei.
27. May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda.
28. Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual,
29. Bilha, Ezem, Tolad,
30. Betuel, Horma, Ziklag,
31. Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David.
32. Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan,
33. pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat. Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan. Ito ang iba pang lahi ni Simeon:
34. sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia
35. Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel,