1 Cronica 27:9-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

10. Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

11. Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

12. Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

13. Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

14. Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

15. Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.

16. Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.

17. Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.Sa angkan ni Aaron: si Zadok.

18. Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.

19. Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.

20. Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.

21. Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.

22. Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.

23. Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.

24. Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

25. Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

26. Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

1 Cronica 27