5. Si Benaya na anak ng paring si Jehoyada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May 24,000 siyang sundalo sa kanyang grupo.
6. Siya ang Benaya na matapang na pinuno ng 30 matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
7. Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadia ang pumalit sa kanya. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
8. Si Shamut na mula sa angkan ni Izra ang kumander sa ikalimang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
9. Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
10. Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
11. Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
12. Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
13. Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
14. Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
15. Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
16. Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.