10. Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
11. Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
12. Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
13. Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
14. Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
15. Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
16. Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.
17. Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.Sa angkan ni Aaron: si Zadok.
18. Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.
19. Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.
20. Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.
21. Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.