1 Cronica 26:5-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Amiel, Isacar at Peuletai. Pinagpala ng Dios si Obed Edom.

8. Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed Edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay 62 lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.

9. Ang 18 anak at mga kamag-anak ni Meshelemia ay may mga kakayahan din.

10. Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno ng kanilang pamilya si Shimri kahit hindi siya ang panganay na anak.

11. Ang sumunod kay Shimri ay sina Hilkia, Tabalia at Zacarias. 13 lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan ng templo.

12. Iginrupo ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kasama nilang mga Levita.

13. Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda.

14. Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Shelemia, at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias

15. Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed Edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.

16. Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Shupim at Hosa.Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:

17. Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.

1 Cronica 26