12. Iginrupo ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kasama nilang mga Levita.
13. Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda.
14. Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Shelemia, at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias
15. Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed Edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.
16. Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Shupim at Hosa.Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:
17. Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.
18. Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ng templo ay dalawa.
19. Iyon ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo na angkan nina Kora at Merari.
20. Ang ibang mga Levita na pinamumunuan ni Ahia ang katiwala sa mga bodega ng templo ng Dios, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Dios.
21. Si Ladan ay mula sa angkan ni Gershon at ama ni Jehieli. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno rin ng kanyang mga angkan.
22. Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.
23. Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel: Mula sa angkan ni Amram:
24. si Shebuel, na mula rin sa angkan ni Gershom, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.
25. Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabia, Jeshaya, Joram, Zicri at Shelomit.