1 Cronica 24:13-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. ang ika-13 ay si Huppa,ang ika-14 ay si Jeshebeab,

14. ang ika-15 ay si Bilga,ang ika-16 ay si Imer,

15. ang ika-17 ay si Hezir,ang ika-18 ay si Hapizez,

16. ang ika-19 ay si Petahia,ang ika-20 ay si Jehezkel,

17. ang ika-21 ay si Jakin,ang ika-22 ay si Gamul,

18. ang ika-23 ay si Delaya,at ang ika-24 ay si Maazia.

19. Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.

20. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.

21. Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.

22. Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.

23. Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.

24. Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.

25. Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.

26. Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.

27. Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.

28. Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.

29. Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.

30. Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya.

31. Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.

1 Cronica 24