1 Cronica 23:7-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan at Shimei.

8. Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Zetam at si Joel.

9. Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan.Si Shimei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Shelomot, Haziel at Haran.

12. Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.

13. Ang mga anak na lalaki ni Amram ay sina Aaron at Moises. Ibinukod si Aaron at ang kanyang mga angkan para sa pagtatalaga ng mga pinakabanal na bagay, sa pag-aalay ng mga handog sa Panginoon, sa paglilingkod sa kanya at sa pagbabasbas sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon. Ito ang magiging tungkulin nila magpakailanman.

14. Ang mga anak na lalaki ni Moises na lingkod ng Dios ay kabilang sa mga Levita.

15. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Gershom at Eliezer.

16. Ang isa sa mga anak na lalaki ni Gershom ay si Shebuel na pinakapinuno ng kanilang pamilya.

17. Si Eliezer ay may kaisa-isang anak na lalaki, si Rehabia na pinakapinuno rin ng kanilang pamilya. Marami ang mga angkan ni Rehabia.

18. Ang isa sa mga anak na lalaki ni Izar ay si Shelomit na pinakapinuno ng kanilang pamilya.

19. Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Jeria na pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jekameam ang ikaapat.

20. Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Micas na pinakapinuno ng kanilang pamilya, at Ishia ang pangalawa.

21. Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi. Ang mga anak na lalaki ni Mahli ay sina Eleazar at Kish.

22. Namatay si Eleazar na walang anak na lalaki kundi puro babae. Silaʼy napangasawa ng kanilang mga pinsan na mga anak ni Kish.

23. Si Mushi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.

1 Cronica 23