1 Cronica 23:4-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Sinabi ni David, “Ang 24,000 sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa templo ng Panginoon, ang 6,000 ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,

5. ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.”

6. Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.

7. Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan at Shimei.

8. Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Zetam at si Joel.

9. Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan.Si Shimei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Shelomot, Haziel at Haran.

12. Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.

13. Ang mga anak na lalaki ni Amram ay sina Aaron at Moises. Ibinukod si Aaron at ang kanyang mga angkan para sa pagtatalaga ng mga pinakabanal na bagay, sa pag-aalay ng mga handog sa Panginoon, sa paglilingkod sa kanya at sa pagbabasbas sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon. Ito ang magiging tungkulin nila magpakailanman.

14. Ang mga anak na lalaki ni Moises na lingkod ng Dios ay kabilang sa mga Levita.

15. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Gershom at Eliezer.

16. Ang isa sa mga anak na lalaki ni Gershom ay si Shebuel na pinakapinuno ng kanilang pamilya.

1 Cronica 23