1 Cronica 23:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon.

2. Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita.

3. Binilang ang mga Levita na nasa edad 30 pataas, at ang bilang nilaʼy 38,000.

4. Sinabi ni David, “Ang 24,000 sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa templo ng Panginoon, ang 6,000 ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,

5. ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.”

10-11. Nagkaroon pa ng apat na anak na lalaki si Shimei: ang pinakapinuno ng kanilang pamilya ay si Jahat, ang pangalawa ay si Zina, at sumunod sina Jeush at Beria. Kakaunti lang ang mga anak ni Jeush at Beria, kaya binilang sila na isang pamilya lang.

25-26. Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman. Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”

1 Cronica 23