1 Cronica 20:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang panahong pumupunta ang mga hari sa digmaan para makipaglaban, hindi sumama si David at nagpaiwan siya sa Jerusalem. Si Joab ang nanguna sa mga sundalo sa pakikipaglaban. Winasak nila ang lupain ng mga Ammonita at pinalibutan ang Rabba hanggang sa malipol ito.

2. Pumunta si David sa Rabba at kinuha ang gintong korona sa ulo ng hari ng mga Ammonita, at inilagay niya ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona na may mamahaling bato ay 35 kilo. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon.

1 Cronica 20