1 Cronica 2:38-54 Ang Salita ng Dios (ASND)

38. si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria.

39. Si Azaria ang ama ni Helez, si Helez ang ama ni Eleasa,

40. at si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Shalum,

41. si Shalum ang ama ni Jekamia, at si Jekamia ang ama ni Elishama.

42. Ang panganay na anak na lalaki ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresha na ama ni Hebron.

43. Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem at Shema.

44. Si Shema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorkeam. Si Rekem ang ama ni Shamai,

45. si Shamai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet Zur.

46. Ang isa pang asawa ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gazez. May anak si Haran na Gazez din ang pangalan.

47. Ang mga anak na lalaki ni Jadai ay sina Regem, Jotam, Geshan, Pelet, Efa at Shaaf.

48. Ang isa pang asawa ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Sheber, Tirhana,

49. Shaaf na ama ni Madmana at Sheva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.

50. Sila ang angkan ni Caleb.Si Hur ang panganay na anak ni Caleb at ni Efrata. Ang mga anak na lalaki ni Hur ay sina Shobal na ama ni Kiriat Jearim,

51. si Salma na ama ni Betlehem, at si Haref na ama ni Bet Gader.

52. Ang angkan ni Shobal na ama ni Kiriat Jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Manahat,

53. at ang angkan ni Kiriat Jearim ay ang mga Itreo, Puteo, Sumateo at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zoratita at mga Estaolita.

54. Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Betlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot Bet Joab, ang kalahati ng mga Manahateo, at ang mga Zorita.

1 Cronica 2