31. Ang anak na lalaki ni Apaim ay si Ishi. Si Ishi ang ama ni Sheshan at si Sheshan ang ama ni Alai.
32. Ang mga anak na lalaki ni Jada na kapatid ni Shamai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak.
33. Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.
34. Walang anak na lalaki si Sheshan, kundi puro babae. May alipin siyang Egipcio na ang pangalan ay Jarha.
35. Ibinigay ni Sheshan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.
36. Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad,
37. si Zabad naman ang ama ni Eflal, si Eflal ang ama ni Obed,
38. si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria.
39. Si Azaria ang ama ni Helez, si Helez ang ama ni Eleasa,
40. at si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Shalum,
41. si Shalum ang ama ni Jekamia, at si Jekamia ang ama ni Elishama.
42. Ang panganay na anak na lalaki ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresha na ama ni Hebron.
43. Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem at Shema.
44. Si Shema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorkeam. Si Rekem ang ama ni Shamai,
45. si Shamai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet Zur.
46. Ang isa pang asawa ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gazez. May anak si Haran na Gazez din ang pangalan.
47. Ang mga anak na lalaki ni Jadai ay sina Regem, Jotam, Geshan, Pelet, Efa at Shaaf.
48. Ang isa pang asawa ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Sheber, Tirhana,