1 Cronica 2:22-38 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead.

23. (Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.

24. Kamamatay lang ni Hezron sa Caleb Efrata nang manganak ang asawa niyang si Abijah. Ang anak niya ay si Ashur na ama ni Tekoa.

25. Ito ang mga anak na lalaki ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron: Si Ram ang panganay, sumunod sina Buna, Oren, Ozem at Ahia.

26. Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam.

27. Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Eker.

28. Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Shamai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Shamai ay sina Nadab at Abishur.

29. Ang pangalan ng asawa ni Abishur ay Abihail. May mga anak silang lalaki, sina Aban at Molid.

30. Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.

31. Ang anak na lalaki ni Apaim ay si Ishi. Si Ishi ang ama ni Sheshan at si Sheshan ang ama ni Alai.

32. Ang mga anak na lalaki ni Jada na kapatid ni Shamai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak.

33. Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.

34. Walang anak na lalaki si Sheshan, kundi puro babae. May alipin siyang Egipcio na ang pangalan ay Jarha.

35. Ibinigay ni Sheshan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.

36. Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad,

37. si Zabad naman ang ama ni Eflal, si Eflal ang ama ni Obed,

38. si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria.

1 Cronica 2