1 Cronica 2:2-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.

3. May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.

4. May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Perez at Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda.

5. Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul.

6. Lima lahat ang anak na lalaki ni Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.

7. Ang anak na lalaki ni Carmi ay si Acar. Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang bagay na inilaan nang buo para sa Dios.

8. Ang anak na lalaki ni Etan ay si Azaria.

9. Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.

10. Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Nashon na pinuno ng lahi ni Juda.

11. Si Nashon ang ama ni Salmon, at si Salmon ang ama ni Boaz.

12. Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse.

13. Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea,

14. ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai,

15. ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David.

16. Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel.

17. Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.

1 Cronica 2