11. Si Nashon ang ama ni Salmon, at si Salmon ang ama ni Boaz.
12. Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse.
13. Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea,
14. ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai,
15. ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David.
16. Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel.
17. Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.
18. Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot. Sila ay sina Jesher, Shobab at Ardon.
19. Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrat at ang naging anak nila ay si Hur.
20. Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.
21. Noong 60 taong gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Makir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila.
22. Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead.
23. (Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.
24. Kamamatay lang ni Hezron sa Caleb Efrata nang manganak ang asawa niyang si Abijah. Ang anak niya ay si Ashur na ama ni Tekoa.