7. Nang araw na iyon, sa unang pagkakataon ay ibinigay ni David kay Asaf at sa mga kapwa niya Levita ang awit na ito ng pasasalamat sa Panginoon:
8. Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya!Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
9. Awitan nʼyo siya ng mga papuri;ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
10. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.
11. Magtiwala kayo sa Panginoon,at sa kanyang kalakasan.Palagi kayong dumulog sa kanya.
14. Siya ang Panginoon na ating Dios,at siya ang namamahala sa buong mundo.
15. Hindi niya kinakalimutan ang kanyang kasunduan at pangako sa libu-libong henerasyon.
16. Ang kasunduang ito ay ginawa niya kay Abraham,at ipinangako niya kay Isaac.
17. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,at magpapatuloy ito magpakailanman.
18. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,“Ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan,ipamamana ko ito sa inyo at sa inyong mga angkan.”