32. Magalak din ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila.
33. At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon.Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.
34. Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
35. Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas;palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain,upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”
36. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!