2. Pagkatapos nilang maghandog nina David, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoon.
3. Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae.
4. Pumili si David ng mga Levita na maglilingkod sa harap ng Kahon ng Panginoon para manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoon, ang Dios ng Israel.
5. Si Asaf ang nanguna sa kanila at siya ang nagpapatunog ng mga pompyang. Sumunod sa kanya ay sina Zacarias, Jeyel, Shemiramot, Jehiel, Matitia, Eliab, Benaya, Obed Edom at Jeyel. Sila ang mga tagatugtog ng lira at alpa.
6. Ang mga pari na sina Benaya at Jahaziel ang palaging nagpapatunog ng mga trumpeta sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Dios.
7. Nang araw na iyon, sa unang pagkakataon ay ibinigay ni David kay Asaf at sa mga kapwa niya Levita ang awit na ito ng pasasalamat sa Panginoon:
8. Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya!Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
9. Awitan nʼyo siya ng mga papuri;ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
12-13. Kayong mga pinili ng Dios na mga lahi ni Jacob na lingkod ng Dios, alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang mga paghatol.
14. Siya ang Panginoon na ating Dios,at siya ang namamahala sa buong mundo.
15. Hindi niya kinakalimutan ang kanyang kasunduan at pangako sa libu-libong henerasyon.
16. Ang kasunduang ito ay ginawa niya kay Abraham,at ipinangako niya kay Isaac.
17. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,at magpapatuloy ito magpakailanman.
18. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,“Ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan,ipamamana ko ito sa inyo at sa inyong mga angkan.”
19. Noon iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios,at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan.
20. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian.
21. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila.Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila.
22. Sinabi niya,“Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod,huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”
23. Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon.Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin.
24. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa.
25. Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan.Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,
26. dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay ginawa lang nila para sambahin,ngunit ang Panginoon ang lumikha ng langit.
27. Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan;ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan.
28. Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat ng tao sa mundo.Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.