1 Cronica 16:1-12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Inilagay nila ang Kahon ng Dios sa loob ng toldang itinayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.

10. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.

11. Magtiwala kayo sa Panginoon,at sa kanyang kalakasan.Palagi kayong dumulog sa kanya.

12-13. Kayong mga pinili ng Dios na mga lahi ni Jacob na lingkod ng Dios, alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang mga paghatol.

1 Cronica 16