1 Cronica 14:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tyre kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.

2. At dito nalaman ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari at nagpalago ng kaharian niya para sa mga mamamayan niyang Israelita.

3. Doon sa Jerusalem, marami pang naging asawa si David, at nadagdagan pa ang mga anak niya.

4. Ito ang mga anak niya na isinilang doon: Shamua, Shobab, Natan, Solomon,

5. Ibhar, Elishua, Elpelet,

6. Noga, Nefeg, Jafia,

7. Elishama, Beeliada, at Elifelet.

8. Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ang piniling hari sa buong Israel, tinipon nila ang lahat ng sundalo nila para hulihin siya. Pero nabalitaan iyon ni David, at sinalubong niya sila.

9. Nang lusubin ng mga Filisteo ang Lambak ng Refaim,

10. nagtanong si David sa Dios, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Matatalo po ba namin sila?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, lumakad kayo, dahil matatalo ninyo sila.”

1 Cronica 14