1. Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan.
2. Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin.
3. Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joash na mga anak ni Shemaa na taga-Gibea. Ito ang mga pangalan nila:sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet,sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,
4. si Ishmaya na taga-Gibeon, na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng 30 matatapang na tao,sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,
5. sina Eluzai, Jerimot, Bealia, Shemaria, at Shefatia na taga-Haruf,
6. sina Elkana, Ishia, Azarel, Joezer, at Jashobeam na mga angkan ni Kora,
7. sina Joela at Zebadia na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.
8. May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumama kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan:
9. si Ezer ang pinuno nila,si Obadias ang pangalawa,si Eliab ang pangatlo,
23-24. Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalo na may mga dalang sibat at pana.