11. Si Jashobeam na Hacmoneo, ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 300 tao sa pamamagitan ng sibat niya.
12. Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na mula sa angkan ni Ahoa. Isa rin siya sa tatlo na matatapang na tauhan ni David.
13-14. Isa siya sa mga sumama kay David nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo sa Pas Damim. Doon sila naglaban sa taniman ng sebada. Tumakas ang mga Israelita pero sina Eleazar at David ay nanatili sa gitna ng taniman, at pinatay nila ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon.
15. Isang araw, pumunta kay David ang tatlo niyang tauhan doon sa kweba ng Adulam. Ang tatlong ito ay kabilang sa 30 matatapang na mga tauhan ni David. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim,
16. at naagaw nila ang Betlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan,