1 Cronica 1:49-54 Ang Salita ng Dios (ASND)

49. Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.

50. Pagkamatay ni Baal Hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.

51. Hindi nagtagal, namatay si Hadad.Ito ang mga pinuno ng angkan ng Edom: Timna, Alva, Jetet,

52. Oholibama, Elah, Pinon,

53. Kenaz, Teman, Mibzar,

54. Magdiel at Iram.

1 Cronica 1