1 Cronica 1:46-51 Ang Salita ng Dios (ASND)

46. Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.

47. Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.

48. Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates.

49. Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.

50. Pagkamatay ni Baal Hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.

51. Hindi nagtagal, namatay si Hadad.Ito ang mga pinuno ng angkan ng Edom: Timna, Alva, Jetet,

1 Cronica 1