26. Serug, Nahor, Tera,
27. at si Abram na siya ring si Abraham.
28. Ang mga anak na lalaki ni Abraham ay sina Isaac at Ishmael.
29. Ang mga anak na lalaki ni Ishmael ay sina Nebayot (ang panganay), Kedar, Adbeel, Mibsam,
30. Mishma, Duma, Masa, Hadad, Tema,
31. Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga anak na lalaki ni Ishmael.
32. Ang mga anak na lalaki ni Ketura na isa pang asawa ni Abraham ay sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak at Shua. Ang mga anak na lalaki ni Jokshan ay sina Sheba at Dedan.
33. Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang angkan ni Ketura.
34. Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.
35. Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeush, Jalam at Kora.
36. Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna.