1 Cronica 1:11-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludeo, Anameo, Lehabeo, Naftu,

12. Patruseo, Caslu, at mga Caftoreo na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.

13. Si Canaan ang ama nina Sidon at Het. Si Sidon ang panganay.

14. Si Canaan ang siya ring pinagmulan ng mga Jebuseo, Amoreo, Girgaseo,

15. Hiveo, Arkeo, Sineo,

16. Arvadeo, Zemareo at Hamateo.

17. Ang mga anak na lalaki ni Shem: sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina, Uz, Hul, Geter at Meshec.

18. Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Eber.

19. May dalawang anak na lalaki si Eber: ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang mga tao sa mundo ay nagkahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joktan.

20. Si Joktan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jera,

1 Cronica 1