31. Sapagkat kayong lahat ay maaaring makapagpahayag ng mensahe ng Dios nang isa-isa, upang matuto ang lahat at mapalakas ang kanilang pananampalataya.
32. Ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay dapat may pagpipigil sa sarili.
33. Sapagkat ang Dios ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan.Tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga pinabanal ng Dios,
34. ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon nʼyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.