1 Corinto 13:5-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,

6. hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan,

7. matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

8. May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan.

9. Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Dios.

10. Ngunit pagdating ng araw na magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.

1 Corinto 13